Vice Mayor kinasuhan ng sedition sa NBI

Nag-post ng ‘rebolusyon’ sa socmed
MANILA, Philippines — Isang bise alkalde ang ipinagharap ng reklamo ng Cybercrime and Coordinating Center (CICC) sa National Bureau of Investigation (NBI) nitong Biyernes kaugnay sa “seditious statements” nito sa social media.
Pinangunahan nina CICC Executive Director Usec. Aboy Paraiso, kasama si Presidential Communications Office Usec. Precious Hipolito-Castelo, ang pagsusumite ng complaint affidavit laban kay Reina Mercedes, Isabela Vice Mayor Jeryll Harold Respicio.
Sa pulong balitaan sa NBI headquarters, sinabi ni Paraiso na kabilang sa reklamo ang inciting sedition, inciting rebellion, at unlawful means of publication.
Iginiit ng CICC na ang reklamo ay walang kinalaman sa freedom of speech kundi tungkol sa paglikha ng isang limitasyon kung ang mga pahayag ay mapanghimagsik o seditious.
Binanggit naman ni NBI Director Melvin Matibag na ang post ni Respicio na rebolusyon ang sagot kung ang Konstitusyon ay hindi umiiral.
Ani Matibag na maglalabas ang NBI ng subpoena para kay Respicio upang makuha ang kanyang panig para sa pagsasagawa ng case build up para sa isasampang reklamo sa Department of Justice (DOJ).
- Latest






















