ER ng OSMA sarado mula Mayo 24-Hunyo 1
MANILA, Philippines — Inihayag ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na pansamantalang isasara mula Mayo 24 hanggang Hunyo 1 ang emergency room ng Ospital ng Maynila (OSMA) para sa isasagawang pagsasaayos.
Sa kanyang “Talk to the People” sinabi ni Domagoso na pinag- isipan nila ang pagsasara ng ER ng hindi matitigil ang operasyon nito. Aniya, kaligtasan pa rin ng mga pasyente at mga empleyado ang kanilang priyoridad.
“Napagpasyahan na ng inyong lingkod to bite the bullet. Isara natin saglit. Hindi po ligtas para sa lahat. Sa lahat ng nasa loob: sa pasyente, doktor, at manggagawa. Ginawa na namin yung lahat ng diskarte, lahat ng abilidad, lahat ng pamamaraan na hindi madistorbo yung emergency room, pero hindi po talaga puwede,” ani Domagoso.
Sinabi naman ni City Health Officer Dr. Grace Padilla, na ang mga pasyente nangangailangan ng agarang lunas ay maaaring magtungo sa iba pang anim na LGU-run public hospitals. Naka-antabay din ang mga ambulansiya at may tent area para sa mga pasyente na magpapagamot.
Tiniyak din ng alkalde ang round-the-clock work upang masiguro na mabubuksan ang ER sa Hunyo 1.
“Isang linggo lang ang kompromiso ko, at tiyak dadaloy rin ang ginhawa, aaliwalas din yung Emergency Room ng Ospital ng Maynila,”d agdag pa ni Domagoso.
- Latest

















