Aplasca pinakakasuhan ng CIDG sa Senate shooting

MANILA, Philippines — Inirekomenda ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang pagsasampa ng kaso laban kay suspended Senate Sergeant-at-Arms chief Mao Aplasca at dalawa pang security personnel ng Senado kaugnay ng insidente ng pamamaril sa loob ng Senado noong nakaraang linggo.
Sa press briefing sa Camp Crame nitong Miyerkules, sinabi ni CIDG director Robert Alexander Morico II na walang legal na basehan sina Aplasca at ang dalawang personnel sa paggamit ng kanilang mga baril sa ilalim ng Republic Act No. 11917 o Private Security Services Industry Act.
Nagsimula aniya ang “provocation” sa insidente ng kaguluhan sa loob ng Senado noong Mayo 13 matapos ang unang pagpapaputok ni Aplasca.
Ayon kay Morico, inirerekomenda ng CIDG ang pagsasampa ng kaso sa ilalim ng RA 11917, ngunit isusumite pa rin ang kanilang findings sa Department of Justice para sa assessment
“We will be transmitting our findings to the DOJ (Department of Justice). It is up to the DOJ to assess,” ani Morico.
Wala pang pahayag si Aplasca hinggil sa insidente.
- Latest


















