^

Metro

P8.3 milyong shabu nabuking sa mga ‘bearings’

Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasabat ng mga awtoridad ang mahigit P8.3 milyong halaga ng hinihinalang shabu na nakatago sa loob ng mga aluminum gear bearings sa isang interdiction operation sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Martes.

Isinagawa ng Bureau of Customs (BOC), ng Inter-Agency Drug Interdiction Task Group, at ng PNP-Aviation Security Group ang operasyon sa isang abandonadong kargamento sa bodega sa loob ng NAIA.

Mula sa Uganda, East Africa ang kargamento na idineklara bilang “Auto Gear Bearings” at nagdulot ng hinala habang inspeksyon.

Ang kargamento ay ipinadala sa isang residente sa Cavite at isinailalim sa cargo X-ray screening ng BOC, na sinundan ng K9 paneling ng Philippine Drug Enforcement Agency.

Manu-manong ininspeksyon ng mga awtoridad ang kargamento at nakumpirma ang presensya ng mga pinaghihinalaang ilegal na droga.

Tumitimbang nang humigit-kumulang 604 gramo at 630 gramo o kabuuang 1,234 gramo, na may tinatayang halaga na P8,391,200.

Nasa kustodiya na ng PDEA ang mga nasamsam na illegal drugs.

NAIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with