Mayor Joy inilunsad ang QCitizen Data-Resibo ng Serbisyo

MANILA, Philippines — Pinangunahan kahapon ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang paglulunsad ng QCitizen Data- Resibo ng Serbisyo na bahagi ng commitment ng lokal na pamahalaan para magkaroon ng higit na transparency, accountability at mabilis na pagseserbisyo sa publiko sa pamamagitan ng open digital governance kung saan tampok ang tatlong flagship digital platforms upang higit na maunawaan, ma-monitor at malaman ng QCitizen ang iba’t ibang serbisyo ng LGU.
Sa ilalim ng QC Open Data Dashboards, mas accessible, accurate, relevant at realtime city data tungkol sa serbisyo ng lokal na pamahalaan, demographics, key govt programs para mai-promote ang transparency, evidence - based decision making at citizen engagement.
Ilan sa dashboard na nasa QC eServices platform ang QC Helpline 122, QCID, PWD Community, Free Maintenance Medicine, Pangkabuhayan QC at QC Scholarship Program.
Makikita naman sa QC Open Infra Dashboard ang detalye ng mga infrastructure project ng lungsod, halaga, contractor, timeline, progress updates, GIS location, photo documentation mula sa implementation hanggang completion habang sa iReport, maaaring mag-report ang publiko ng mga reklamo, progreso at tugon ng kinauukulang departamento ng LGU.
“Ito ay pagtupad sa pangako ko na buksan ang record ng mga proyekto sa ilalim ng aking pamumuno”, ani Belmonte.
Layon ng hakbang na maibsan ang korapsyon, mas mahusay na serbisyo at good governance dahil deserve ng QCitizen na makita ang lahat ng record ng QC.
Hinikayat din ni Belmonte ang QCitizen na gamitin ang platform na malaki ang maitutulong upang malaman at makita ng mga tao ang ginagawa ng city government.
- Latest


















