^

Metro

DILG sa LGUs: BHERTs palakasin

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nanawagan ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa lahat ng local government units na palakasin pa ang suporta sa Barangay Health Emergency Response Teams (BHERTs) na pa­ngunahing depensa ng bansa sa pagprotekta sa mga komunidad laban sa health emergencies.

Ayon sa DILG, sa pagpapalakas ng BHERTs, tinitiyak ng mga ito ang agarang pagtugon sa panahon ng krisis at ang pagtugon sa pang-araw-araw na suliraning pangkalusugan sa antas ng barangay.

Sa kasalukuyan, nasa 43,000 BHERTs sa buong bansa ang aktibong nagbibigay serbisyo at rumeresponde sa grassroots level.

Mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga ito sa pagtataguyod ng kalusugan ng komunidad, pagtiyak ng agarang pagtugon sa panahon ng mga emergency, at pagsuporta sa mga lokal na inisyatibong pangkalusugan sa buong bansa.

Base sa talaan ng DILG-National Barangay Operations Office noong Pebrero 2026, 88.83 percent ng barangays sa buong bansa ang nag-organisa na ng BHERTs, kung saan 43,000 teams Ang aktibong sumusuporta sa community-level health response.

DILG

HEALTH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with