Farmers to Consumers Program pinaigting ng Quezon City LGU
Sa murang pagkain
MANILA, Philippines — Higit pang pinaigting ng Quezon City local government sa pamamagitan ng Market Development and Administration Department (MDAD) ang Farmers to Consumer Programa upang makarating sa lungsod ang mas murang agricultural products mula sa mga magsasaka.
Sa press briefing sa QC Hall, sinabi ni Atty. Edmundo R. Bacatan, Asst City Market Administrator na hindi pa man umuusbong ang gulo sa Middle East ay nagsagawa na ang tanggapan ng mga programa upang makabili ang lokal na pamahalaan ng mas murang agri produce ng mga magsasaka para dalhin sa lungsod upang mas mababa ang presyo ng bilihin ang maibenta sa mga QCitizens.
Aniya sa patnubay ni QC Mayor Joy Belmonte ay naipatupad ng tanggapan ang Bridging Farmers to Consumers Program kung saan ang mga produktong mula sa Benguet at Nueva Ecija ay naibabagsak sa Quezon City at ito naman ay nakakarating sa mga vendors para maibenta sa mga consumers sa murang halaga lamang.
“Sa pamamagitan po nito ay hindi na po gaanong naaapektuhan ang mga QCitizens at ibang mamimili sa paghahanap ng mas murang paninda dahil sa proyektong ito ng QC LGU” dagdag ni Bacatan.
Kung mayroon naman aniyang mga nagrereklamo sa mga nagsasamantala sa presyuhan ng mga bilihin ay agad nila itong nairerekomenda sa Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Agriculture (DA) para sa paglalapat ng kaukulang aksyon at parusa.
- Latest





















