Concessionaires sa NAIA 3 apektado sa power interruption
MANILA, Philippines — Isasailalim sa maintenance work ng kuryente ang Food Village ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3, ngayong Linggo, Mayo 10.
Abiso ito ng pribadong operator na New NAIA Infra Corp. (NNIC), magsisimula ang maintenance work mula alas-1:00 ng madaling araw hanggang alas-3:00 ng madaling araw ang pansamantalang pagkaputol ng supay ng kuryente.
“To allow the work to be completed safely, power supply in the area will be temporarily interrupted during this period,” ayon sa advisory ng NNIC nitong Biyernes.
Ayon sa NNIC, nakatakda naman sa hindi peak hours upang makatulong na mabawasan ang pagkaantala at agad na babalik ang suplay sa oras na makapasa na ang sistema sa safety check.
Payo ng NNIC sa mga apektadong concessionaire, gawin ang mga kinakailangang paghahanda bago ang maintenance.
- Latest





















