2 sugatan sa road rage sa Taguig

MANILA, Philippines — Sugatan ang dalawang lalaking magka-angkas sa motorsiklo nang mauwi sa pananaksak ng nakaalitang rider sa Bonifacio Global City, sa Taguig nitong Huwebes.
Hindi na nilantad ang pagkakakilanlan ng mga
na residente ng Guadalupe, Nuevo, habang mabilis na nadakip ang suspek na si alyas “Sherwin”, 48, tricycle driver, na residente ng Cembo, Taguig City.
Sa ulat ng Southern Police District (SPD), dakong alas-4 ng hapon ng Mayo 7, nang maganap ang insidente ng pananaksak gamit ang screwdriver, sa panulukan ng Kalayaan at 8th Avenue sa Bonifacio Global City (BGC), Taguig City.
Nag-ugat ang komprontasyon nang mag-dirty finger umano ang suspek at nagkaroon pa ng mas matinding komprontasyon nang magkatapat sa gitna ng kalye dahil sa red traffic signal.
Kita sa nag-viral na video sa social media ang pananaksak at pakikipagpambuno sa pagitan ng suspek at biktima.
Nakapiit na ang suspek habang inihahanda ang reklamong frustrated homicide.
- Latest






















