‘Guerrilla-style’ sa bentahan ng text blasters bantay-sarado sa PNP
Mula sa mga isinarang POGO
MANILA, Philippines — Todo bantay ang Philippine National Police (PNP) sa “guerilla style” na bentahan ng mga text blaster device na pinaniniwalaang galing sa nagsarang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).
Ayon kay PNP Chief PGen. Jose Melencio Nartatez, Jr. ang mga nasabing device na galing sa mga POGO ay isa-isang ibinebenta sa mga sindikato at kriminal.
Kaya naman ayon kay Nartatez pina-igting nila ang kampanya laban sa talamak na pagbebenta ng mga ilegal na text blaster devices sa social media at mga e-commerce platform.
Ani Nartatez, bagama’t nabawasan ang mga sentralisadong scam hub mula nang ipatupad ang POGO ban noong 2024, hinaharap naman ngayon ng kapulisan ang “guerrilla-style” na distribusyon ng mga kagamitan nito. Sinabi ni Nartatez na hindi nila hahayaang kumalat ang mga ito.
Binalaan ni Nartatez ang publiko na ang panganib ng mga text blaster na ito ay ang kakayahang lampasan ang network security.
Gumagana ang mga ito bilang “portable cell sites” sa mga malapit na cellphone, na makakatanggap ng mga unsolicited at malisyosong mensahe gaya ng smishing at phishing.
- Latest



















