Leviste, 5 pa kinasuhan ng DOE sa DOJ
MANILA, Philippines — Sinampahan ng reklamo ni Energy Secretary Sharon Garin sa Department of Justice (DOJ) nitong Miyerkules si Batangas 1st District Rep. Leandro Antonio Leviste at limang kapwa opisyal ng Solar Para sa Bayan Corporation (SPSB/SPBC) kaugnay sa prangkisa sa renewable energy sources sa bansa.
Sa kanyang complaint-affidavit, pinangalanan ni Garin bilang respondent sina Leviste na siyang chairman, president, chief executive officer, at director ng SPSB/SPBC; at iba pang mga direktor ng korporasyon na sina Antonio C. Legarda Sr., Benjamin C. Legarda, Antonio B. Legarda Jr., Irma C. Flaminiano, at Hazel Iris P. Lafuerto na siya ring corporate secretary at treasurer.
Sinabi ng DOE na wala silang natanggap na anumang aplikasyon para sa permit upang sumunod sa mga kondisyong itinakda sa legislative franchise.
Inaprubahan ng DOE ang mga proyektong imprastraktura kaugnay sa solar energy sa Occidental Mindoro.
- Latest


















