MRT-3, may libreng sakay sa mga delegado ng PDA

MANILA, Philippines — Magkakaloob ang Department of Transportation – Metro Rail Transit Line 3 (DOTr-MRT-3) ng libreng sakay para sa lahat ng delegado ng idaraos na ika-117 na Philippine Dental Association (PDA) Annual Convention and Scientific Sessions.
Sa abiso ng MRT-3, nabatid na ang libreng sakay ay maaaring i-avail ng mga kalahok sa nasabing kumbensyon mula Mayo 11 hanggang 15, 2026.
Ayon sa MRT-3, upang maka-avail ng libreng sakay, kailangan lamang ipakita ng mga kalahok ang kanilang delegation ID sa mga station personnel.
Dagdag pa nito, isinasagawa nila ang programang ito bilang pagpupugay ng DOTr-MRT-3 sa mahalagang ambag ng ating mga dental professional sa bansa.
- Latest























