^

Metro

Pulis sa viral rape case, sinibak

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Pulis sa viral rape case, sinibak
Sa naging desisyon ng Napolcom En Banc napatunayang si Pat. Joshua S. Mendoza ay guilty sa kaso ng panggagahasa batay na rin sa mga matititibay na ebidensiya kabilang na ang mga testimonya ng mga eyewitness, medico-legal findings, CCTV footage at ang pahayag ng complainant.
Edd Gumban / File

MANILA, Philippines — Sinibak na sa ser­bisyo ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang isang pulis­ na guilty sa kasong Grave Misconduct at Con­duct Unbecoming of a Police Officer ng insidente ng pang­hahalay na nag- viral­ sa social media.

Sa naging desisyon ng Napolcom En Banc napatunayang si Pat. Joshua S. Mendoza ay guilty  sa kaso ng panggagahasa batay na rin sa mga matititibay na ebidensiya kabilang na ang mga testimonya ng mga eyewitness, medico-legal findings, CCTV footage at ang pahayag ng complainant.

Napatunayan ng ko­misyon na si Men­doza ay gumawa ng sexual violence na labag sa biktima na maliwanag na paglabag sa Republic Act No. 8353 o ang Anti Rape Law of 1997.

Pinawalang sala naman ang isa pang pulis na nasama sa reklamo na si Pat. Jehan A. Mendoza matapos mapatunayan ng komisyon na walang  ebidensiya na nag­papatunay dito sa krimen.

Nag-ugat ang kaso mula sa reklamong ini­hain noong Enero ng isang babae na nagsabing nawalan siya ng malay matapos uminom­ at nagising na lamang habang inaabuso sa loob ng isang motel.

The police are meant to protect rights, not violate them. Every abuse committed by a few erodes the integrity of the entire institution. That is why our position is clear, cleanse the ranks, hold offenders accountable, and res­tore the peoples trust.” Ayon kay Napolcom Commissioner Ralph Calinisan,

NAPOLCOM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with