^

Metro

Lola sapul sa L300 van, patay

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Lola sapul sa L300 van, patay
This satellite image shows Tondo in the City of Manila.
Google Maps

MANILA, Philippines — Patay ang isang lola nang mabundol ng sasak­yan habang tumatawid sa kalsada sa Tondo, Manila kahapon ng umaga.

Kaagad na binawian ng buhay ang biktimang si “Lola Evelyn”, 70, at residente ng A. Rivera St., sa Tondo, habang arestado at sasampahan ng ka­u­kulang kaso ang suspek na si alyas “Bernie”, resi­dente ng Ermita, Manila.

Batay sa ulat ng Manila Police District (MPD), nabatid na dakong alas-7:50 ng umaga nang ma­ganap ang insidente sa northbound lane ng Jose Abad Santos Avenue, kanto ng Bambang St., sa Tondo.

Bago ang insidente ay minamaneho umano ng suspek ang isang Mitsubishi L300 van at binabagtas­ ang northbound lane ng Jose Abad Santos Avenue.

Gayunman, pagsapit sa kanto ng Bambang St. ay aksidenteng nabundol nito ang biktima, na noon ay tumatawid sa kalsada.

Dahil sa impact nang pagkakabangga, tumila­pon ang biktima sa sementadong kalsada na nag­resulta sa agaran nitong kamatayan.

MPD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with