^

Metro

Jay Sonza inaresto ng NBI, walang piyansa

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

Pinakalat fake medical records ni Marcos

MANILA, Philippines — Dinakip ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) Huwebes ng gabi sa kanyang bahay sa Quezon City ang dating journalist na si Jay Sonza kaugnay sa kasong cyber libel kaugnay sa pagpapakalat ng fake news ukol sa malubhang kalusugan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ang pagdakip kay Sonza ay batay sa warrant of arrest na inisyu  laban dito hinggil sa kasong paglabag sa Article 154 ng Revised Penal Code na may kinalaman sa ma­lisyosong pagpapakalat ng maling balita hinggil sa kalusugan ng Pangulo.

Kahapon ay inilipat si Sonza mula sa NBI headquarters sa Pasay papuntang detention facility sa Muntinlupa. Nakatakda siyang dalhin sa Pasay RTC sa Lunes, May 4, para iharap sa judge na nag-issue ng warrant of arrest.

Iginiit naman ng ­kampo ni Sonza na kukuwestiyonin nila ang inilabas na warrant, partikular ang pagdedeklara rito bilang “non-bailable,” kaugnay ng kasong unlawful publication.

Ayon sa abogado ni Sonza na si Atty. Mark Tolentino, ang naturang kaso ay itinuturing na minor offense lamang, na karaniwang pinapatawan ng arresto mayor o multa.

“Sa umiiral na patakaran, ito ay karaniwang bailable at madalas ay summons ang unang inilalabas ng korte, hindi agad warrant of arrest,” ani Tolentino. “Kaya ang pag-isyu ng non-bailable warrant sa aming pananaw, highly irregular at legally questionable.”

Plano ng depensa na magsumite ng mga mosyon sa Pasay Regional Trial Court Branch 118, kabilang ang motion to recall o quash ng warrant, at humiling ng pag­lilinaw hinggil sa tamang aplikasyon ng piyansa.

JAY SONZA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with