^

Metro

2 wanted na Hapones tiklo sa BI

Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inaresto ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang Japanese nationals na wanted sa kasong pandaraya sa Japan sa isinagawang operasyon sa Pasay City.

Kinilala ang mga suspek na sina Oi Takumi, 30, at Okada Sho, 27. Nahuli sila ng BI Fugitive Search Unit (FSU) sa pakikipag-ugnayan sa National Police Agency of Japan sa Roxas Boulevard noong Abril 28.

Ayon sa BI, may mga umiiral na warrant of arrest laban sa dalawa na inisyu ng Kokura Summary Court sa Japan kaugnay ng kasong fraud sa ilalim ng Japanese Penal Code. Pinaniniwalaang nagsabwatan ang mga ito sa isang financial scam sa pamamagitan ng pagpapanggap bilang mga law enforcement officer.

Isinagawa ang pag-aresto sa tulong ng koordinasyon sa mga awtoridad ng Japan, na humiling din ng pag-secure ng mga digital na ebidensya tulad ng mga mobile phone at computer para sa patuloy na imbestigasyon.

Kasalukuyang nakadetine ang mga suspek sa BI Warden Facility habang hinaharap ang kasong deportasyon laban sa kanila.

ARRESTED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with