QCitizens patuloy sa pagsusuot ng face mask

MANILA, Philippines — Pinayuhan ng Quezon City Health Department ang publiko partikular QCitizens na magsuot ng face mask kung lalabas sa kanilang bahay bunsod ng hindi magandang kalidad ng hangin
Ayon kay Dr. Charlene Deuna ng QCHD, makabubuting manatili na lamang sa bahay ang mga may hika, highblood, buntis, senior citizen at mga bata.
Ani Deuna, malaki ang epekto ng maduming hangin sa isang tao lalo na sa respiratory system. Kung kailangan na lumabas ng bahay, dapat na magsuot ng face mask.
Sakaling may mararanasang o mararamdamang sakit ay agad na pakonsulta sa pinakamalapit na health center para sa paunang lunas.
Sinabi naman ni Col. Remegio Gregorio ng Department of Public Order and Safety (DPOS) na naka-alerto ang tanggapan para sa kaligtasan ang kaayusan ng mga komunidad sa QC gayundin sa usapin ng pagsubaybay sa kalidad ng hangin na may dalang epekto sa mamamayan.
- Latest

















