^

Metro

Air quality sa Maynila, nasa ‘good level’ na

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Air quality sa Maynila, nasa ‘good level’ na
A thick blanket of smog continues to envelop Metro Manila on April 27, 2026 as the fire at the Navotas Sanitary Landfill persists.
Edd Gumban/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Magandang balita dahil nasa ‘good level’ na ang air quality sa lungsod ng Maynila bagamat hinihikayat pa rin ang Manileño na magsuot ng face mask. 

Ayon sa Department of Environment and Public Services – Manila, naitala ang ‘Good’ Air Quality Index (AQI) sa apat na air quality monitoring stations ng lungsod, nitong Abril 27, 2026, ganap na alas-7:00 ng umaga.

Nabatid na kabilang sa mga monitored ­areas sa ilalim ng Asia Blue Skies Project ang Puregold Tayuman, Anda Circle, San Sebastian Residences, at Sta. Ana Hospital. 

Ipinapakita anila nito ang mas malinis at mas ligtas na kalidad ng hangin sa mga nasabing lugar. 

Gayunman, pinapayuhan pa rin ang mga Manileño na patuloy na magsuot ng face mask bilang karagdagang proteksyon, lalo na ang mga bata, senior citizens, buntis, at may respiratory illness. 

Paniniguro pa nito, “Patuloy ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila, sa pamamagitan ng DEPS, sa pagbabantay sa kalidad ng hangin upang mapangalagaan ang kalusugan ng publiko.”

AIR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with