^

Metro

2 Barangay Officials sa Maynila sinuspinde ng 6 na buwan

Doris Franche-Borja, Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
2 Barangay Officials sa Maynila sinuspinde ng 6 na buwan
Sa ginanap na regular session kung saan nagsilbi bilang quasi-judicial body ang konseho sa pangunguna ni Vice Mayor Chi Atienza, napatunayang nagkasala ng grave misconduct, gross neglect of duty, at conduct unbecoming of a public officer ang barangay chairman at kagawad mula sa Sampaloc, Maynila alinsunod sa Section 67, Rule XVI ng kanilang Internal Rules of Procedure.
STAR / File

Bigong protektahan menor-de-edad

MANILA, Philippines — Sinuspinde ng Konseho ng Maynila ng anim na buwan ang isang barangay chairman at kagawad matapos umanong pagtakpan at patakasin ang isang tanod na umano’y nangmolestiya sa isang menor-de-edad.

Sa ginanap na regular session kung saan nagsilbi bilang quasi-judicial body ang konseho sa pangunguna ni Vice Mayor Chi Atienza, napatunayang nagkasala ng grave misconduct, gross neglect of duty, at conduct unbecoming of a public officer ang barangay chairman at kagawad mula sa Sampaloc, Maynila alinsunod sa Section 67, Rule XVI ng kanilang Internal Rules of Procedure.

Napag-alaman na bigo ang dalawang barangay officials na mabigyan ng kopya ng CCTV footage sa pamilya ng biktima na gagamitin naman ng mga pulis sa kanilang imbestigasyon at pagsasampa ng kaso.

Tatlong araw pa ang lumipas bago sinuspinde ang suspek na isang barangay tanod kaya nagkaroon pa ng pagkakataon na makatakas. Sa nakalap na impormasyon, ang suspek na tanod ay kamag-anak umano ng misis ng barangay chairman.

Ayon kay Atienza, ang kanilang desisyon ay indikasyon ng kanilang matibay na paninindigan na pangalagaan ang mga vulnerable sector kabilang ang mga menor-de-edad.

Ipinagmamalaki ni Atienza sa ika-13 City Council ang patuloy na naninindigan para sa karapatan ng mga mamamayan na marinig at maprotektahan, lalo na ang mga nasa laylayan.

Samantala, sinabi naman ni 4th District Councilor DJ Bagatsing na palpak ang pamumuno ng barangay chairman nang wala itong gawin kung saan biktima ang isang menor-de-edad.

Nagpaalala naman si Councilor Juliana Rae “Yanyan” Ibay sa mga local officials na manindigan sa kanilang sinumpaang tungkulin. “This is a black-and-white case. There’s no gray area. What’s wrong is wrong, what’s right is right,” ani Ibay.

BARANGAY

CHAIRMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with