^

Metro

26 wanted nadakip sa ‘Warrant Day’ ng QCPD

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
26 wanted nadakip sa ‘Warrant Day’ ng QCPD
Kabilang sa mga naarestong TMWPs ang suspek na kinilalang alyas “John Michael”, 30, ng Brgy. Bangkal, Makati City na inaresto ng La Loma Police Station (PS 1) bandang alas-8:50 ng umaga sa BJMP Quezon City Jail – Male Dormitory sa Brgy. Bagong Silangan, Quezon City na may 6 counts na kaso ng estafa at warrant of arrest mula sa Metropolitan Trial Court (MeTC) Branch 8 sa Quezon City. Lumabas din sa beripikasyon na may mga nauna siyang kaso ng paglabag sa Batas Pambansa Blg. 22 noong Nobyembre 21, 2025 at Abril 2026, at estafa noong Marso 2026.
STAR / File

MANILA, Philippines — Inanunsyo ni Quezon City Police District (QCPD) Director PBGen. Randy Glenn Silvio, ang pagkakaaresto sa 26 na wanted persons, kabilang ang apat na Top Most Wanted Persons (TMWPs), limang Most Wanted Persons (MWPs), at 17 Other Wanted Persons (OWPs) sa isinagawang “Warrant Day” operation ng mga istasyon ng pulisya nitong Biyernes, Abril 24, 2026.

Kabilang sa mga naarestong TMWPs ang suspek na kinilalang alyas “John Michael”, 30, ng Brgy. Bangkal, Makati City na inaresto ng La Loma Police Station (PS 1) bandang alas-8:50 ng umaga sa BJMP Quezon City Jail – Male Dormitory sa Brgy. Bagong Silangan, Quezon City na may 6 counts na kaso ng estafa at warrant of arrest mula sa Metropolitan Trial Court (MeTC) Branch 8 sa Quezon City. Lumabas din sa beripikasyon na may mga nauna siyang kaso ng paglabag sa Batas Pambansa Blg. 22 noong Nobyembre 21, 2025 at Abril 2026, at estafa noong Marso 2026.

Sa hiwalay na operasyon, timbog naman sa Batasan Police Station (PS 6) ang No. 8 Municipal Level MWP ng Mandaluyong City na kinilalang alias “Marilou”, 34, ng Brgy. Commonwealth, Quezon City bandang alas-10:00 ng umaga sa kanyang tirahan at may kinakaharap na kasong physical abuse na may warrant of arrest mula sa Branch 5 ng korte sa Mandaluyong City.

Samantala, nabitbit naman ng Cubao Police Station (PS 7) ang No. 7 MWP na kinilalang alyas “Vicente”, 42, ng Roxas District, Quezon City, bandang ala-1:30 ng hapon sa kanyang tirahan sa Brgy. Cupang, Antipolo City. Nahaharap siya sa kasong paglabag sa Republic Act No. 6539 o Anti-Carnapping Act of 1972.

Naaresto rin ng parehong operatiba ang No. 8 MWP na kinilalang alyas “Romeo”, 40, bandang alas-6:30 ng gabi sa kanyang tirahan sa Bayanan, Muntinlupa City. May kinakaharap din siyang kaso ng paglabag sa Republic Act No. 6539 na may warrant of arrest mula sa Regional Trial Court (RTC) Branch 220 sa Quezon City.

“Ang tagumpay na ito ay bunga ng sama-samang aksyon ng iba’t ibang yunit ng QCPD. Patuloy ­naming palalakasin ang ugnayan at koordinasyon upang mas mapabilis ang paghuli sa mga wanted persons,” ani Silvio.

QCPD

WANTED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with