^

Metro

Aircon na waiting room ng LRT-1, bukas na – LRMC

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Aircon na waiting room ng LRT-1, bukas na – LRMC
Ito naman ang inihayag ng Light Rail Manila Corporation (LRMC), kung saan mas komportableng makapaghihintay ang mga pasahero partikular ang mga senior citizens, persons with special needs, at may mga kasamang bata, bago sumakay ng tren.
LRMC

MANILA, Philippines — Bukas na ang kauna-unahang air-conditioned passenger waiting room sa Baclaran Station ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) upang magbigay ng karagdagang ginhawa sa mga pasahero laban sa matinding init ng panahon, lalo na ngayong summer season.

Ito naman ang inihayag ng Light Rail Manila Corporation (LRMC), kung saan mas komportableng makapaghihintay ang mga pasahero partikular ang mga senior citizens, persons with special needs, at may mga kasamang bata, bago sumakay ng tren.

Sinabi ni LRMC President at CEO Enrico R. Benipayo na ang proyekto ay naisakatuparan sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng LRMC sa Mitsubishi Heavy Industries - Mahajak Air Conditioners Co. Ltd. (MHI - MACO), na isa sa mga nangu­nguna sa industriya ng air conditioning sa Thailand.

Ang pormal na pagbubukas nito ay pinangunahan ni Benipayo, kasama sina MHI-MACO representative Taro Aoki, Mit-Air representative Andre See, Minister for Economic Affairs of the Embassy of Japan Naobumi Yokota, at Light Rail Transit Autho­rity (LRTA) Administrator Atty. Hernando Cabrera.

Anang LRMC, layunin ng pagtutulungang ito na maghatid ng agarang ginhawa sa mga pasahero sa isa sa mga pinakaabalang istasyon sa linya.

LRMC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with