Caloocan Connect bukas na sa publiko
MANILA, Philippines — Pormal nang binuksan ng pamahalaang lungsod ng Caloocan ang isang bagong co-working space na tinatawag na Caloocan Connect na matatagpuan sa ika-5 palapag ng Caloocan City Hall – South sa Camarin ng nabanggit na lungsod.
Ang lugar ay maaaring gamitin ng mga estudyante, mananaliksik, at empleyado bilang lugar para sa pag-aaral at pagtatrabaho.
Nag-aalok ang pasilidad ng mga libreng serbisyo tulad ng Wi-Fi, printing services, meryenda, at mga itinalagang lugar para sa group discussions at conferences.
Ayon kay Dale Gonzalo Malapitan, layunin ng Caloocan Connect na magbigay ng alternatibo at ligtas na espasyo para sa mga nangangailangan ng maayos na lugar para mag-aral at magtrabaho, lalo na sa gitna ng kakulangan ng espasyo sa mga mall at coffee shop.
Hinimok din ng alkalde ang mga gagamit ng pasilidad na panatilihin ang kaayusan, kalinisan, at katahimikan upang matiyak ang maayos na kapaligiran para sa lahat.
Bukas ang Caloocan Connect mula Lunes hanggang Huwebes, alas-7:00 ng umaga hanggang alas-6:00 ng gabi. Kinakailangan ang pagpapakita ng valid ID bago makapasok sa pasilidad.
- Latest



















