QCLGU, may hatid tulong sa nasunugan

MANILA, Philippines — Aayudahan ng QC local Government ang mga biktima ng sunog sa Commonwealth market na naganap kahapon Sabado.
Nakikipag-ugnayan na ang QC LGU sa pamamagitan ng Market Development and Administration Department (MDAD) at Business Permits and Licensing Department (BPLD) sa pribadong lessor ng Commonwealth market at Philquarantly na may-ari ng lupa upang matukoy ang kabuuang bilang ng mga apektadong negosyo at mapag-aralan ang maaaring maitulong sa mga nabiktima ng sunog.
Kumikilos din ang iba’t ibang tanggapan ng lungsod, kabilang ang QC Department of Engineering (QCDE), Department of the Building Official (QCDBO), QC Health Department (QCHD), City Veterinary Department, QC Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO), at Department of Sanitation and Cleanup Works of QC (DSCWQC), para sa isinasagawang structural assessment, hazard mapping, sanitary inspection, at clearing operations sa lugar. Uunahin ang paglilinis ng lugar upang mabawasan ang panganib sa kalusugan mula sa nasunog na mga paninda.
Prayoridad naman ng QCDE at Meralco ang inspeksyon ng linya ng kuryente para agad maibalik ang supply ng kuryente.
Samantala, patuloy na nakaantabay ang law and order cluster sa pangunguna ng QC Police District (QCPD), Department of Public Order and Safety (DPOS), City Veterinary Department at QC Transport and Traffic Management Department (QCTTMD) upang matiyak ang kaayusan ng lugar at maging ang daloy ng trapiko sa paligid ng insidente.
Una nang nagpahayag ng kalungkutan ang QC LGU sa nanaganap na sunog sa Commonwealth market kahapon ng madaling araw, April.25 na umabot sa ikalimang alarma.
- Latest



















