‘Hindi na mauulit’- Mayor Joy
Sa pagkasawi ng rider sa ayuda
MANILA, Philippines — Tiniyak ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na hindi na mangyayari ang insidente ng pagkasawi ng sinumang naghihintay ng ayuda mula sa pamahalaan.
Ang paniniyak ay ginawa ni Belmonte bagama’t hindi residente ng lungsod ang nasawing rider habang nakapila para kunin ang kanyang fuel subsidy sa Quezon City Memorial Circle nitong Sabado, April 18.
Ang pamamahagi ng fuel subsidy ay pinangangasiwaan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na namamahagi ng cash relief assistance (CRA) para sa mga natitirang driver na hindi nabigyan ng cash aid mula Metro Manila.
“He’s not a Quezon City resident. Ang conclusion meron po talaga siyang karamdaman and naabutan lang po siguro s’ya doon. That is my understanding. Hindi po matagal ang paghintay nila” ani Belmonte.
Gayunman, sinabi ni Belmonte kahit hindi taga- QC, kailangan pa rin na masiguro ang kaligtasan ng isang indibidwal sa lahat ng oras. Sisiguraduhin nilang sapat at tama ang sistema sa DSWD para maiwasan ang mga katulad na insidente.
“It’s just unfortunate that this happened pero with regards to heat, we understand its effects kaya naman meron po tayong water station sa kanila... We will do our best to make sure na hindi po ito maulit muli,” sabi ni Mayor Belmonte.
Dahil sa nangyari, pinag aaralan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na idaan na lamang sa e-wallet ang pamamahagi ng cash aid.
- Latest




















