^

Metro

QCitizens pinayuhan na magsuot ng face mask

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
QCitizens pinayuhan na magsuot ng face mask
Ilang pedestrians sa United Nations Avenue sa Manila ay namataang nagsuot ng face mask kahapon. Ang air quality levels mula sa Anda Circle, ­Quiapo, at Sta. Ana ay “Unhealthy”. Samantala sa Tayuman ay “Very Unhealthy Level” ang naitala.
Noel B. Pabalate

MANILA, Philippines — Pinayuhan ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang lahat ng QCitizens na lalabas ng bahay na magsuot ng face mask.

Ito ay reaksyon ng QC LGU hinggil sa pinaka-latest na Air Quality Index (AQI) na maraming bahagi ng lungsod ang “UNHEALTHY” at “VERY UNHEALTHY” ang kalidad ng hangin.

“Kung ‘di maiiwasan ang pag-alis, lalo na sa mga senior citizens, buntis, at may respiratory diseases tulad ng hika, huwag kalimutang magsuot ng face mask,” ayon sa abiso bg QCLGU.

Dulot nito patuloy na mino-monitor ng lokal na pamahalaan ang AQI para tiyaking informed at updated ang lahat ng QCitizens sa kalidad ng hangin sa lungsod.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa AQI, maaaring makipag-ugnayan ang publiko sa Climate Change and Environmental Sustainability Department (CCESD).

Para sa health concerns tulad ng hirap sa paghinga, hika, at iba pa, maaaring tumawag sa City Health Department sa Tel. No. (02) 8929-8038 o tumawag sa QC Helpline 122 para sa iba pang agarang aksyon.

FACE MASK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with