Solo parents, libre sa MRT-3
MANILA, Philippines — Inihayag ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) na ang libreng sakay para sa mga solo parents na nagsimula kahapon ay tatagal hanggang Abril 18, Sabado bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Solo Parents Week at alinsunod na rin sa Expanded Solo Parents Welfare Act.
Sa abiso ng MRT-3 ang libreng sakay para sa mga registered solo parents ay maaaring i-avail mula 7:00AM hanggang 9:00AM at mula 5:00PM hanggang 7:00PM sa nasabing mga petsa.
Ayon sa MRT-3, kinakailangan lamang ng mga eligible passengers na magpakita ng kanilang balidong Solo Parent ID sa alinmang istasyon ng MRT-3.
“Ang inisyatibong ito ay alinsunod sa Republic Act No. 11861 o ang Expanded Solo Parents Welfare Act, na layong kilalanin at suportahan ang mahalagang papel ng mga solo parent sa ating lipunan.”
“Isang maliit na hakbang ng pasasalamat para sa inyong walang kapantay na sakripisyo at pagmamahal,” anito pa.
- Latest




















