Higit sa 75K na violators, naitala sa NCR - HPG
Pagpapatrolya pinalakas
MANILA, Philippines — Tiniyak ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) na tuluy-tuloy ang kanilang pagpapatrolya sa mga lansangan partikular sa gabi bilang suporta sa inisyatibo ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na mahigpit na pagpapatupad ng mga lokal na ordinansa sa ilalim ng Safer Cities Initiative.
Ang paniniyak ay ginawa ni HPG Spokesperson PLt. Nadame Malang kasabay ng implementasyon ng enhanced patrolling simula Abril 13 sa bahagi ng Roxas Blvd kung saan talamak ang mga nahuhuling lumalabag partikular na sa mga umiiral na traffic laws gaya ng Republic Act 4146 o mas kilala bilang “Land Transportation Regulation Act”.
Sinabi ni Malang na karaniwang nahuhuli ang mga jeepney drivers na pumapasada ng walang headlights na isang seryosomg paglabag na maaari pa niyang magresulta sa mga aksidente sa lansangan.
Samantala, nakapagtala naman ng hindi bababa sa 75,000 na mga paglabag ang mga otoridad sa loob ng Metro Manila simula yan Abril 6 hanggang Abril 13 dahil sa mga local ordinance violations kabilang ang pag-iinom sa mga kalsada, curfew violations at paggamit ng karaoke ng lagpas na sa itinakdang oras.
- Latest


















