‘All aBOARD’ Expo 2026, sinimulan ng QC LGU at Gaming Library
MANILA, Philippines — Sinimulan na ng Quezon City government sa pakikipagtulungan ng Gaming Library ang pagsasagawa ng pinabonggang “All aBOARD” Expo 2026 na gagawin sa Mayo 28-31, 2026 sa Quezon City hall Compound M.I.C.E. Center.
Ang pinakamalaking Expo returns na ito ay magtatampok sa maraming gamers, publishers, partners at international guests na ngayon ay bukas na para sa registration para sa anim na pass types.
Nabatid na ang VIP passes ay nagkakahalaga ng P1,000 hanggang P5,500 na may exciting perks kasama na ang mga collectible items, exclusive freebies at board games na may halagang hanggang P4,000.
Libreng makakapasok ang mga QCitizens na magpapakita ng QC ID o proof of residency, mga bata na may edad 12-anyos pababa habang nasa nasa P150 naman ang tickets para sa mga non-QC residents.
Tampok sa Expo ang International personalities at exclusive board game content launches, Asia Championship of Unmatched and Grand Archive Regionals kabilang na ang major tournaments tulad ng Cascadia, Harmonies Catan at iba pa, Learning sessions, workshops, at community activities, Expanded partnerships, prize pools, at publisher showcases.
Nasa higit 200 exclusive board game ang ipalalabas kasama na ang local versions ng international bestsellers upang higit na mapadali sa mga participants na nagmula sa labas ng QC, may special corporate rate ang available sa mga participants na titigil sa Seda Vertis North, ang Expo’s official partner hotel.
Mariing tinanggap ni QC Mayor Joy Belmonte ang pagsisimula ng Expo na bahagi ng kampanya ng QC LGU na mapalakas ang kultura, at inclusive entertainment.
- Latest
















