Barzaga sumuko vs warrant sa Cyber Libel
MANILA, Philippines — Sumuko nitong Lunes ng gabi si Cavite 4th District Rep. Francisco “Kiko” Barzaga kaugnay ng warrant of arrest sa 8 counts ng Cyber libel case.
Nabatid na boluntaryong nagtungo sa Dasmariñas Component City Police Station si Barzaga dakong alas-7 ng gabi, kasama ang kanyang abogado.
Ang warrant of arrest ay inilabas ng Makati Regional Trial Court Branch 147 Judge Karla Regina D. Valera-Chua sa 8 counts ng Cyber Libel na isinampa ng negosyanteng si Enrique Razon, House Deputy Speaker Ronaldo Puno, at Manila Rep. Rolando Valeriano.
Matatandaang nagpost sa kanyang social media account si Barzaga sa alegasyon na ang mga miyembro umano ng National Unity Party ay nasuhulan ni Razon upang suportahan si dating House Speaker Martin Romualdez.
Nasuspinde si Barzaga bilang kinatawan ng House of Representatives dahil sa umano’y hindi maayos na asal habang nasa loob ng kapulungan.
Agad din namang naglagak ng piyansa na P48,000.00 bawat bilang ng kaso si Barzaga.
- Latest

















