Intel chief ng BOC, nag-resign
MANILA, Philippines — Kinumpirma ni Customs Commissioner Ariel Nepomuceno ang pagbibitiw sa tungkulin ni Bureau of Customs (BOC) Deputy Commissioner for the Intelligence Group (IG) Romeo Allan Rosales.
Ayon kay Nepomuceno, isinumite ni Rosales ang kanyang resignasyon noong Lunes.
“So may mga smuggled items na sa tingin niya yun yun mga ‘di n’ya nagawa, kaya nag-resign s’ya. Wala naman nagalit sa kanya, wala naman parang ni-reprimand s’ya, wala naman ganun,” paliwanag ni Nepomuceno.
Inamin din naman ni Nepomuceno na may inirekomenda na siyang papalit kay Rosales ngunit hindi pa aniya ito sigurado.
“Yung papalit ‘di pa sure ‘yun kasi nirekommenda pa lang natin,” aniya, nang matanong kung may napipisil na bang kapalit ng nagbitiw na BOC official.
Ipinahiwatig naman niya na ito’y maaaring magmula sa Philippine Military Academy (PMA) at isang mistah mula sa PMA Class 1987 na ‘very qualified’ sa posisyon.
Nabatid na ang Malakanyang ang magdesisyon kung sino ang itatalagang kapalit ni Rosales, base sa rekomendasyon ni Finance Secretary Frederick Go.
- Latest






















