^

Metro

Napolcom: Mga dawit sa PNP hazing pananagutin

Angie dela Cruz, Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Napolcom: Mga dawit sa PNP hazing pananagutin
Ang paniniyak ay ginawa ni Napolcom Commissioner Atty. Rafael Calinisan kasabay ng pagbuo ng task force na magsagawa ng malaliman at impartial investigation para malaman ang katotohanan at matiyak ang accountability.
The STAR / Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Tiniyak ng National Police Commission (Napolcom) na pananagutin nila ang tatlong kadete na sangkot sa hazing sa 20 underclassmen nitong Biyernes Santos sa loob ng Philippine National Police Academy (PNPA).

Ang paniniyak ay ginawa ni Napolcom Commissioner Atty. Rafael Calinisan kasabay ng pagbuo ng task force na magsagawa ng malaliman at impartial investigation para malaman ang katotohanan at matiyak ang accountability.

Ani Calinisan, lubhang nakakaalarma ang insidente na hindi dapat tinotolerate at labag sa karapatang pantao.

Samantala, mariin namang kinondena ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang panibagong kaso ng hazing sa PNPA kasabay ng pagsasagawa ng internal cleansing at imbestigas­yon sa akademiya.

Ayon kay Nartatez, suspendido rin ang lahat ng aktibidad sa loob ng akademiya upang matutukan ang isyu na kinasasangkutan ng mga susunod na mga opisyal ng pamahalaan.

Paglilinaw pa ni Nartatez, mahigpit na ipinapatupad ng PNP ang zero tolerance sa mga insidente ng hazing sa ilalim na rin ng umiiral na Anti-Hazing Act Law.

Nasa kustodiya na ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang tatlong kadete na sinasabing nagsagawa ng pang-aabuso sa mga 20 underclassmen na nagtamo ng mga paso at lapnos ang mga biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan kabilang ang likod, binti, at maging sa maseselang parte matapos pahiran ng pinaghahalo umanong kemikal ng drain cleaner at muriatic acid.

Madaling araw ng Biyernes Santo nang ma­diskubre ng isang cadet guard detail ang insidente sa loob ng Barracks 2 ng PNPA matapos mapansin ang hindi pangkaraniwang aktibidad ng grupo ng mga kadete na dapat ay nagpapahinga na. Agad itong ini-report sa tactical officer, na ipinaabot naman sa commandant hanggang sa director ng PNPA.

Maliban sa tatlong suspek, iniimbestigahan din ang pito pang mga indibidwal na hindi pa nakikilala sa ngayon kung saan binigyang diin din ni Nartatez na nakatakdang humarap sa mga kaso sa ilalim ng Anti-Hazing Act Law ang mga sangkot na kadete at posible ring mapatalsik sa PNPA.

Patuloy naman na isinasailalim sa gamutan ang mga biktima at nakatakda ring bigyan ng psychological support para sa kanilang agarang paggaling habang sinibak na rin sa kaniyang puwesto ang Tactical Officer of the Day nang nangyari ang insidente.

Sasampahan ang mga suspek ng kasong paglabag sa Republic Act 11053 at administratibong kaso na maaaring magresulta sa kanilang tuluyang pagtanggal sa akademya.

NAPOLCOM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with