^

Metro

DOTr-MRT-3 at LRT-2, may libreng sakay bukas

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
DOTr-MRT-3 at LRT-2, may libreng sakay bukas
Passengers of MRT-3 queue at ticket booths situated inside the North Avenue Station and Taft Avenue Station in Manila.
Jesse Bustos / The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Magandang balita dahil magkakaloob ang pamunuan ng Department of Transportation-Metro Rail Transit Line 3 (DOTr-MRT-3) at Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) ng libreng sakay sa lahat ng kanilang pasahero para sa Araw ng Kagiti­ngan bukas, Huwebes, Abril 9, 2026. 

“Bilang pagpupugay sa katapangan at sakripisyo ng mga Pilipino, handog ng DOTr-MRT-3 ang #LibrengSakay para sa lahat ng pasahero ngayong dara­ting na Huwebes, Abril 9, kasabay ng paggunita ng Araw ng Kagitingan,”­ anunsiyo ng DOTr MRT-3.

“Ang inisyatibong ito ay alay bilang pakikiisa ng LRTA sa pag-alala sa kagitingan, sakripisyo, at kabayanihan ng ating mga bayani na nag-alay ng kanilang buhay para sa kalayaan ng ­ating bansa.”

Maaari umanong sumakay ng libre sa mga tren ng DOTr-MRT-3 at LRT-2 mula 7:00AM hanggang 9:00AM at mula 5:00PM hanggang 7:00PM sa nasabing araw.

Inaanyayahan din nila ang lahat na samantalahin ang libreng sakay na ito habang sama-sama nating ginugunita ang mahalagang araw sa kasaysayan ng Pilipinas.

LRT

MRT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with