^

Metro

Ilang commuters na-stranded dahil sa transport strike

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — May mga naapektuhang mananakay sa ilang bahagi ng Metro Manila nitong Huwebes ng umaga dahil sa transport strike kaugnay sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis, ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO).

“May mga stranded kasi kahit alam natin na rally, mayroon pa rin talagang lumalabas kahit hindi naman gaanong ka-importante yung kanilang mga lakad,” ani Police Major Hazel Asilo, tagapagsalita ng NCRPO.

Bumibiyahe ang mga stranded kahit may abiso na ng tigil-pasada, kaya’t nadagdagan ang bilang ng mga naapektuhan. Naitala ang mga stran­ded na pasahero sa ilang­ lugar sa Manila, Que­zon City, Pasig, Taguig, Para­ñaque, Las Piñas, at Malabon.

Wala namang naitalang kaguluhan sa isinagawang strike ng iba’t ibang sektor ng transportation kabilang ang jeepney drivers, bus operators, TNVS, motorcycle taxis, at UV Express.

Isa sa mga pangunahing pagtitipon ng mga nagprotesta ay isinagawa ng No To Oil Price Hike Coalition sa Aurora Boulevard sa Cubao, Quezon City.

Iginiit ng mga grupo ang pagtanggal ng value-added tax (VAT) at excise tax sa produktong petrol­yo, pagpapababa ng pre­syo ng langis sa P55 kada litro, at pagbabasura ng Oil Deregulation Law.

Kabilang din sa kanilang panawagan ang dagdag-pasahe, P1,200 family living wage, at nasyunalisasyon ng industriya ng langis upang mapababa ang presyo nito. 

NCPRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with