Driver hinimatay sa pilahan ng fuel subsidy
MANILA, Philippines — Isang jeepney driver ang hinimatay sa gitna ng pila para sa pagtanggap ng ayuda, sa Quezon City, tanghali ng Miyerkules.
Batay sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD), ang biktimang si alyas “Rechie”, 40-anyos, residente ng Dahlia St., Quezon City ay kinailangan ding isugod sa Quezon City General Hospital upang lapatan ng lunas.
Sa gitna ng pamamahagi ng fuel subsidy ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) dakong alas-11:50 ng umaga ng Marso 25, 2026 sa Quezon Memorial Circle, Barangay Central, Quezon City nang tulungan ng mga tauhan ng Quezon City Hall Precinct (QCHP) sa pangunguna ni P/Major Rohaina Asalan at mga tauhan ng Traffic and Transport Management Division ang biktima.
- Latest



















