US, PH maritime drills sa Manila Bay, Mariveles, Bataan tagumpay - AFP
MANILA, Philippines — Tagumpay ang idinaos na bilateral Maritime Cooperative Activity (MCA) sa pagitan ng Estados Unidos at ng Pilipinas sa Manila Bay at sa bahagi ng karagatan ng Mariveles, Bataan.
Sa isang press statement nitong Sabado, sinabi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pinagsanib na maritime drills ay binansagang Bilateral MCA 16-3.1 na pinakahuli ay nagtapos na nitong Biyernes.
Ayon sa AFP, nilalayon nito na palakasin pa ang interoperability sa pagitan ng AFP, US Indo Pacific Command at Philippine Coast Guard (PCG) upang suportahan pa ang pagpapalakas ng maritime security at pagtugon sa maritime zones.
“The successful conduct of the MCA reflected the continuing commitment of the Philippines and the United States to strengthen coordination and cooperation in promoting regional maritime security, stability, and adherence to international law,” ayon sa AFP.
Kabilang sa mga assets ng Pilipinas ay ang BRP Antonio Luna (FFG15), dalawang A-29B Super Tucano, isang C-208B aircraft, isang Sokol Search and Rescue Aircraft, at ang PCG’s BRP Gabriela Silang (OPV 8301) habang ang US ay nagdeploy ng US Navy’s 7th Fleet flagship USS Blue Ridge (LCC-19).
Sa isinagawang aktibidad, ang US, AFP at PCG forces ay nagsagawa ng serye ng exercises kabilang ang communication check at photo exercise.
“The AFP remains committed to building strong defense partnerships and enhancing its capability to safeguard the country’s maritime interests and uphold a rules-based international order,” ayon pa sa AFP.
Samantalang nilinaw naman ng US 7th Fleet na ang nasabing drills na kinabibilangan ng iba pang MCAs ng kanilang puwersa ay alinsunod sa internasyonal na batas na isinaalangalang ang karapatan sa paglalayag at kalayaan ng lahat ng bansa.
- Latest




















