^

Metro

PNP palalakasin kampanya vs abusadong online platforms

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inihayag ng Philippine National Police (PNP) na palalakasin nila ang kanilang kampanya laban sa mapang-abusong online lending platforms kasunod ng naitalang mahigit 47,000 reklamo na natanggap ng PAOCC mula Agosto 2024 hanggang Enero 2026 .

Ayon kay PNP Chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr., kabilang sa mga reklamo ang pagpapadala ng pagbabanta, public shaming, at iligal pag-access sa contact list ng mga kliyente. May mga kaso rin umano ng manipulated pictures upang takutin at ipahiya ang mga nangutang.

Giit ni Nartatez, hindi katanggap-tanggap ang ganitong uri ng operasyon at kinakailangan na itong aksyunan ng pulisya.

Dahil dito, inatasan ng PNP chief ang Anti-Cybercrime Group na magsagawa ng mas pinaigting na operasyon upang matukoy, maaresto, at makasuhan ang mga sangkot sa online harassment, paglabag sa data privacy, at iba pang cybercrime offenses.

Nakikipag-ugna­yan na rin ang PNP sa PAOCC, Securities and Exchange Commission, at National Privacy Commission upang matukoy ang mga kumpanyang lumalabag sa batas.

PAOCC

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with