^

Metro

Isko, inalok P500K driver ng gunman

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Isko, inalok P500K driver ng gunman
Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso
The Philippine STAR / Russell Palma

 

Pinasusuko sa loob ng 48 oras

MANILA, Philippines — Nag-alok ng P500,000 si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso  sa driver ng gunman na bumaril at pumatay  sa kanyang bodyguard na si George Capistrano  kung saan pinasusuko  rin niya ito sa loob ng 48 oras.

Hinarang si Capis­trano ng riding-in-tandem sa panulukan ng Salonga at Buendia Sts. sa

Balut, Tondo Maynila nitong Linggo ng mada­ling araw.

Sa kanyang “Talk to the People”, sinabi ni Domagoso na inaalok niya ng P500,000 ang asawa at pamilya ng driver ng motorsiklo  na humarang kay Capistrano kasama ang  gunman na humatak at kumuha ng kuwintas ni nito.

Tiniyak din ni Domagoso ang kaligtasan nito sa ilalim ng Witness Protection Program (WPP).

Sinundan ng riding-in-tandem si Capsitrano hanggang sa harangin, holdapin at barilin sa nabangit na lugar.

“Ang nakuha n’yo kay George ay halos gakulangot lang ng halaga na ito”, ani Domagoso.

Ayon kay Domagoso, layon nilang matukoy ang pagkakakilanlan ng gunman na  walang  awang pumatay kay Capistrano, 56 na kareretiro pa lang nitong  Disyembre.

Dagdag pa ng alkalde 48 oras lamang ang kanilang palugit upang  sumuko ang driver at maituro ang gunman at posibleng mga kasamahan nito at mabigyan ng kataru­ngan ang pagkamatay ni Capistrano.

Sakaling mabigo ang
driver na sumuko, sinabi ni Domagoso na wala  silang magagawa kundi gawin ang nararapat at normal na police operation.

Kasabay ng paha­yag ng pakikiramay sa pamilya ni Capistrano, sinabi ng alkalde na titiyakin niyang mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay nito.

ISKO MORENO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with