QCPD ipinagbabawal helmet sa loob ng establisimyento
MANILA, Philippines — Nagpaalala si Quezon City Police District (QCPD) Director, PBGen. Randy Glenn Silvio, sa publiko na ipinatutupad sa lungsod ang Quezon City Helmet Ordinance No. SP-2765, S-2018, kung saan ipinagbabawal ang paggamit o pagsusuot ng helmet sa pagpasok sa anumang establisimyento.
Sa ilalim ng ordinansa, ang lahat ng motorcycle drivers at passengers ay dapat na magtanggal ng helmets, headgear, face masks, o anumang bagay na magtatakip ng mukha sa pagpasok sa malls, convenience stores, at iba pang public facilities. Sinumang susuway ay iisyuhan ng Ordinance Violation Receipt (OVR) habang papatawan ng multa na P1,000 sa first offense; P3,000 sa second offense at P5,000 sa third offense bukod pa sa pagbawi sa lisensiya at posibleng pagkakakulong.
Nilinaw ni Silvio ang ordinansa ay paraan upang maiwasan ang anumang kriminalidad.
- Latest
















