Voucher program pasado na sa ikalawang pagbasa
Libreng kolehiyo
MANILA, Philippines — Pinagtibay na sa ikalawang pagbasa ng Kamara nitong Miyerkules ng gabi ang panukalang batas na naglalayong palawakin pa ang access sa libreng tertiary education subsidy at pagbubukas ng voucher program para sa mga kuwalipikadong benepisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P) na nais mag-aral sa mga pribadong higher education at technical vocational na mga institusyon sa bansa.
Ang House Bill No. 8476, ayon kay Marcos ay substitute bill na nagbibigay ng reporma sa Tertiary Education Subsidy program sa ilalim ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act at nag-iintrodyus sa voucher system para sa mahihirap at mga estudyanteng mataas ang akademya at kuwalipikadong mag-aral sa private schools.
- Latest



















