NLEX-SLEX Connector sa Skyway, magagamit na sa 2027
MANILA, Philippines — Sa taong 2027 ay bubuksan na sa mga motorista ang Metro Manila Skyway Stage 3 (MMSS3) Project - Section 2a, na magkokonekta sa North Luzon Expressway (NLEX), South Luzon Expressway (SLEX) at Skyway.
Inakyat nina Department of Transportation (DOTr) Secretary Banoy Lopez, Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon, at Toll Regulatory Board (TRB) Executive Director Jay Art Tugade kahapon ang ginagawang Section 2a para ma-inspeksyong maigi ang progress ng connector na malaki ang maitutulong para bumilis ang biyahe mula North at South ng Metro Manila at vice versa.
Ayon kay Lopez, sa tulong ng naturang connector ay mapapabilis ang biyahe mula Skyway-Buendia hanggang NLEX Karuhatan ng mula sa kasalukuyang dalawang oras ay magiging 25-30 minuto na lang, habang 20-25 minuto naman ang Skyway-Buendia hanggang Port Area.
Nabatid na ang 1.2-kilometrong 2x2 elevated lane na Interconnection Structure ay alternatibong daan din ng mga truck kaya posibleng lumuwag na ang daloy ng trapiko sa R-10, Altura, España, at Araneta.
- Latest
















