^

Metro

200 pamilya nasunugan sa Tondo

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tinatayang nasa 200 pamilya ang nawalan ng tahanan nang tupukin ng apoy ang nasa 100 bahay sa isang residential area sa Tondo, Maynila kahapon ng madaling araw.

Batay sa ulat ng Manila City Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO), dakong ala-1 ng madaling araw nang sumiklab ang sunog sa Gate 10 ng Parola Compound sa Brgy. 20, sa Tondo.

Sinasabing nagsimula ang sunog sa isang unit sa ikalawang palapag ng isang tahanan sa lugar.Wala namang iniulat na nasaktan o nasawi sa sunog.

Mabilis na kumalat ang apoy sa mga tahanang karamihan ay gawa lamang sa light materials at umabot ito sa ikalimang alarma bago tuluyang naapula dakong alas-5:26 ng madaling araw.

Nabatid na nasa 14 na trak ng bumbero mula sa Bureau of Fire Protection (BFP) at mahigit 60 fire volunteers ang rumes­ponde upang maapula ang sunog.

Base sa datos mula sa Barangay 20, nasa 100 istraktura ang winasak ng sunog, kung saan apektado ang nasa 200 pamilya o humigit-kumulang 600 na indibidwal.

Sa pagtaya naman ng BFP, nasa P400,000 ang halaga ng mga ari-ariang napinsala dahil sa sunog habang patuloy pang iniimbestigahan ang pinagmulan ng apoy.

DRRMO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with