^

Metro

Commuter nakakita ng mga ipis sa MRT-3

Philstar.com
Commuter nakakita ng mga ipis sa MRT-3
An MRT-3 Dalian Train arrives at a station in Metro Manila as seen in January 2026. Inset photo shows what a commuter claims are cockroaches spotted inside one of the train cars.
MRT-3; ABS-CBN screenshot

MANILA, Philippines — Agad na siniyasat at dinisinfect ng pamunuan ng MRT-3 ang isang train set matapos may pasahero ang mag-post sa commuter Facebook group na may nakitang maliit na ipis sa pagitan ng mga upuan at handrail.

Lumabas ang report nang magpakalat ng mga larawan ang pasahero at i-share ng ibang commuter.

Sa pahayag nitong Biyernes, Marso 6, sinabi ng MRT-3 na naabisuhan agad sila ng naturang post at ipinagawa ang agarang inspeksyon sa apektadong tren.

Inutusan ni Transportation Secretary Banoy Lopez si MRT-3 General Manager Michael Capati na imbestigahan agad at aksyunan ang report, ayon sa opisina ng linya. 

Naglabas ng Notice to Explain si Capati para sa Sumitomo Corp., ang private firm na nakaatas sa maintenance ng MRT-3.

“Agad na sinailalim ng maintenance team ang nasabing train set sa inspeksyon at disinfection,” ani MRT-3 office sa pahayag, sa salitang Ingles.

Giit ng pamunuan na may regular na paglilinis at inspeksyon sa lahat ng train sets at istasyon bilang bahagi ng maintenance program ng linya, at tiniyak nilang patuloy ang pagpapaigting ng mga hakbang para sa kalinisan at kaligtasan ng mga pasahero.

IPIS

MRT-3

PUBLIC TRANSPORTATION

SUMITOMO CORP.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with