Kelot na may higit 20 kaso, tiklo
Rape at sexual assault
MANILA, Philippines — Swak na sa piitan ang isang 32-anyos na top. 1 most wanted sa mahigit 20 kaso na may kaugnayan sa panggagahasa sa isinagawang operasyon ng Parañaque Police, Biyernes ng hapon.
Sa ulat ni Southern Police District (SPD) director, PBrig. General Randy Arceo, mga tauhan ni Parañaque City Police Station chief PCol. Nicolas Pinon ang umaresto sa akusadong si alyas “Lester”, isang cabin cleaner, sa kanyang bahay sa Barangay San Isidro, Parañaque ala-1:35 ng hapon ng Pebrero 28.
Batay sa hawak na warrant of arrest ng Warrant and Subpoena Section, ang akusado ay nahaharap sa 2 counts of rape; 18 counts of statutory rape, at multiple counts ng sexual assault sa Family Court, Branch 10, Parañaque City, at Family Court, Branch 5, Trece Martires City, Cavite.
Ang mga nabanggit na kaso ay paglabag sa Article 266-A at 266-B ng Revised Penal Code, na inamyendahan ng Republic Act No. 8353 (Anti-Rape Law of 1997), kaugnay sa Section 5(b) of Republic Act No. 7610. Karamihan sa mga kaso ay “no bail recommended”, habang itinakda sa iba pang kaso ang piyansang may kabuuang P3,200,000.00.
Makapag-piyansa man ang akusado sa milyong halaga, di pa rin makakamit ang pansamantalang kalayaan dahil sa mga kakabit na kasong non bailable, ayon kay Arceo.
- Latest






















