2 bebot most wanted timbog sa Parañaque at Las Piñas
MANILA, Philippines — Arestado ang dalawang babaeng most wanted dahil sa kasong qualified theft at serious illegal detention sa Parañaque at Las Piñas.
Sa ulat ni Parañaque City Police Station, ang suspek na si alyas “Maria”,28, residente ng Brgy. San Dionisio, ay dinakip ng mga tauhan ng San Dionisio Substation ng Parañaque CPS sa Dr. A. Santos Avenue alas-11:15 ng gabi ng Pebrero 24.
Top. 6 most wanted person si Maria ng Parañaque kaugnay sa kinakaharap na kasong four counts of qualified theft through falsification of private documents, sa Parañaque City.
Nakapiit si Maria sa Parañaque City Police Station habang hinihintay ang commitment order mula sa korte at maari din na maglagak ng piyansang P130,000.00 para sa pansamantalang kalayaan.
Samantala, timbog naman ng Las Piñas City Police Station ang 64-anyos na si alyas “Madam Araba” negosyante sa kasong 10 counts of serious illegal detention, alas-5:30 ng hapon ng Pebrero 24, sa Hall of Justice ng Barangay Pamplona 3.
Batay sa warrant of arrest laban kay Madam Araba o alyas “Aileen”, walang inirekomendang piyansa.
- Latest























