^

Metro

2 pulis na ‘nangharang’ ng motorista, sinibak  

Mer Layson, Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sinibak na ng Manila Police District (MPD) ang dalawang pulis nito na makikita sa isang viral video na lulan ng kanilang patrol vehicle at hinaharang umano ang isang motorista sa isang traffic light sa Taft Avenue, Ermita, Maynila, malapit sa Philippine General Hospital (PGH).

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni MPD-Ermita Police Station 5 (PS-5) Commander PLtCol Alfonso Saligumba III na agad nilang natukoy ang mga naturang pulis at ni-relieved na sa puwesto habang isinasailalim sa imbestigasyon.

Paliwanag aniya ng mga pulis, nasiraan ang kanilang patrol vehicle kaya’t hindi kaagad ito umandar.

Nabatid na ang naturang video ay ipinaskil ng vlogger na si James ­Deakin sa social media noong Miyerkules. Ibinahagi umano ito sa kanya ng asawa ng driver na naapektuhan ng insidente.

Samantala, humingi naman ng paumanhin sa National Police Commission (Napolcom) ang dalawang pulis dahil sa umano’y pagsisinungaling nang sabihin nasiraan sila ng mobile patrol.

PHILIPPINE GENERAL HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with