Regulasyon sa Marina pinaigting
Sa paglubog ng MV Trisha Kerstin 3
MANILA, Philippines — Tiniyak ng Maritime Industry Authority (Marina) na hihigpitan pa nila ang safety compliance at pagdaraos ng supervised emergency drills, kasunod na rin nang paglubog ng MV Trisha Kerstin 3 sa karagatang sakop ng Basilan noong Enero 26.
Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Marina Administrator Sonia Malaluan na sisimulan nila ang pagdaraos ng supervised drills upang matiyak ang pagtalima at pagpapahusay pa ng emergency preparedness ng mga shipping companies at kanilang mga tripulante.
Matatandaang ang MV Trisha Kerstin 3 ay tumagilid bago tuluyang lumubog sa karagatang sakop ng Basilan, na ikinasawi ng 58 katao.
- Latest















