Hi-tech drone gagamitin ng PNP vs criminal
MANILA, Philippines — Naniniwala si Philippine National Police (PNP) chief PGen. Jose Melencio Nartatez, Jr. na magiging madali ang pagtugis sa mga kriminal sa paggamit ng hi-tech drone sa mga police operations.
Ayon kay Nartatez, bukas sila sa planong bumili ng mga hi-tech drones na may light detection at ranging (LiDAR) technology, na makapagpapalakas sa law enforcement operations at kakayahan sa pagtugis sa mga hinahanap o manhunt capabilities.
Sinabi ni Nartatez na ito ay bahagi ng PNP Modernization program na layong palakasin ang police operation, kabilang ang pagtunton sa mga pugante o wanted na nagtatago sa masukal at magugubat na lugar.
Ang teknolohiyang LiDAR ay nagbibigay-daan sa mga awtoridad na makakita sa ilalim ng makakapal na vegetation at makagawa ng mapa ng lupa sa ibaba nito—isang bagay na hindi kayang gawin ng karaniwang kamera. Tinitiyak din nito ang mas mabilis na pangangalap ng datos sa malalawak na lugar.
- Latest

















