^

Metro

Ika-2 bomba nahukay sa UP campus

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isa na namang vintage bomb ang nahukay ng isang construction worker sa loob ng UP Campus sa Quezon City kahapon ng umaga. 

Batay sa ulat ng Anonas Police Station (PS 9) ng Quezon City Police District (QCPD), alas-8:30 ng umaga nang matagpuan ang bomba sa loob ng UP Campus, sa harapan ng Institute of Chemistry Teaching Building,  Brgy. UP Campus, sa lungsod.

Naghuhukay umano ang construction worker na si Andrew  Gepoleo, nang matamaan ng pala ang isang matigas na bagay na nakabaon sa lupa.

Nang suriin ni Gepoleo ang natamaan ay tumambad sa kaniya ang kinakalawang na bomba kaya ini-report niya sa mga awtoridad.

Mabilis namang rumesponde ang mga operatiba ng Explosive Ordnance Disposal ng QCPD na nagsagawa ng safety procedure (RSP) at saka maingat na dinala ang vintage bomb para sa kustodiya at tamang disposisyon.

Magugunitang, noong Lunes, February 3, unang­ nakahukay ng vintage bomb sa loob din ng UP Campus sa harapan ng Institute of Chemistry Teaching Building Brgy. UP Campus, QC ang isang construction worker.

BOMB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with