3 katao, sugatan sa sunog sa Maynila

MANILA, Philippines — Tatlong katao ang nasugatan habang 10 pamilya ang nawalan ng tahanan nang sumiklab ang isang sunog sa isang commercial-residential area sa Paco, Manila kahapon ng madaling araw.
Kabilang sa mga nasugatan ang isang bumbero at dalawang residente na nagtamo lamang ng minor injuries at kaagad namang naisugod sa pagamutan.
Batay sa ulat ng Manila Bureau of Fire Protection (BFP), dakong ala-1:21 ng madaling araw nang magsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng isang two-storey apartment na matatagpuan sa panulukan ng UN Avenue at Tanque St., sa Paco.
Nadamay din umano sa insidente ang ilang establisimyento kabilang ang optical center.
Umabot lang naman sa unang alarma ang sunog bago tuluyang naideklarang under control dakong alas-2:18 ng madaling araw at tuluyang naapula dakong alas-2:48 ng madaling araw.
Sa pagtaya ng mga awtoridad, aabot sa 10 pamilya o 20 indibidwal ang naapektuhan ng sunog.
- Latest



















