Delivery rider, pisak sa truck
MANILA, Philippines — Isang delivery rider ang patay nang magulungang ng trak ng kanyang nakasagian nitong Sabado ng umaga sa Paco, Maynila.
Dead-on-the-spot ang biktimang si alyas “Al”, nang mahulog sa minamanehong motorsiklo at magulungan pa ng truck pasado alas-10 ng umaga ng Sabado sa southbound lane ng San Marcelino St., sa Paco.
Nabatid na lulan ang biktima ng kanyang motorsiklo at binabaybay ang naturang lugar nang aksidenteng makasagian nito ang isang nakasabayang truck.
Nawalan ng balanse ang biktima at nahulog sa motorsiklo at minalas na masagasaan pa ng truck, na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan.
- Latest

















